DOTA (Documentary; Research Paper)

July 5, 2017 | Autor: Valerie Bayhon | Categoria: Filipino Studies, College of Arts and Sciences
Share Embed


Descrição do Produto

ISANG PAGMAMASID, PAGTATANONG, AT PAKIKIPANAYAM UKOL SA MGA MABUTI AT MGA DI-MABUTING NAIDUDULOT NG LARONG DOTA



FILIPINO102
Kolehiyo ng Sining at Agham
Trinity University of Asia




Valerie Mavel Bayhon
Rochelle Caranto
Kimberly Co
Kathrine Joy Lao
Whyrene Taeza
Queenie Anne Velasquez
1PSY02

Marissa Mepranum

Ika-2 Semestre AY 2013-2014
BAHAGI I
PAKSA: Laro
ANO: Pagkakalibang o Pagkakaadik sa DOTA
SINO: Mga Pilipino
SAAN: Sa Quezon City
KAILAN: 2013
BAKIT: Upang lumawak ang kaalaman sa DOTA o malaman ang kagandahan at negatibong epekto nito.
PAANO:Pagmamasid, Pagtatanong, at Pakikipanayam.

PAMAGAT:
Isang Pagmamasid, Pagtatanong at Pakikipanayam ukol sa Mga Mabuti at Mga Di-Mabuting na idudulot ng larong DOTA.

TESIS PANGUNGUSAP:
Dahil sa mga bagong lugar palaruan, ang mga bata ay hindi na naglalaro sa labas ng bahay at naglalaro na lamang ng kompyuter games tulad ng DOTA.

PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN.
Nais sagutin ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na tanong:

Anu-ano ang mga pananaw ng mga batang manlalarong DOTA sa Quezon City?
Bakit DOTA ang klaseng laro na pinipili ngayon?
Anu-ano ang mga maaaring maidulot ng paglalaro ng DOTA?
V. PAGLALAHAD NG MGA LAYUNIN.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong:
Maiparating sa tao ang tungkol sa larong DOTA.
Masuri ang mga dahilan ng pagpili ng larong DOTA kaysa sa ibang laro.
Malaman ang mga epekto ng paglalaro ng DOTA.

PAGLALAHAD NG MGA KAHALAGAHAN.
Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil:
Makakakuha ng pananaw ng iba't ibang tao ukol sa larong DOTA.
Maipapakita ang mga maaaring kalabasan ng paglalaro ng DOTA.
Maipapabatid kung ano ang larong DOTA.

VII. PANIMULA
Defence of the Ancient o mas kilala sa tawag na DOTA ay ang isang larong nagmula sa video game na Warcraft: Reign of Chaos na nang maglaon ay naging Warcraft: Frozen Throne. Marami ang nahuhmaling at naaadik na mga manlalaro rito. Ito ay kadalasang mga kabataang lalaki ngunit ngayon ay maging ang mga kabataang babae ay nahuhumaling na rin sa paglalaro nito. Ang larong DOTA ay isang larong maaaring makadulot ng iba't-ibang epekto. Mabuti, sapagkat sa paglalaro ng DOTA ay makakapagpalipas oras o makapagbibigay libang ito sa mga manlalaro na nakakapagpadulot na mailayo ang mga kabataan mula sa bisyo tulad ng droga. Ngunit sa kabilang banda ay hindi rin natin maitatanggi na may masamang epekto rin ang paglalaro ng DOTA. Isa sa mga ito ay ang pagliban sa klase upang makapaglaro lamang.

VIII. NILALAMAN
Ang nilalaman ng dokumentong ito ay ang pananaliksik kung saan ipinapaliwanag ang pamamaraan ukol sa DOTA. Sa kabilugan ng Quezon City, nagkalat ang mga 'Computer Shops' n akung saan ay makakapaglaro ng DOTA ang mga taong nakapalibot rin dito. Walang edad na pinipili ang larong DOTA. Mapabata man o matanda, ang lahat ay nahihikayat at hinihikayat na maglaro nito. Dito, tatalakayin ang mga usap-usapan upang maipakita ang kagandahan at hindi kagandahang epekto ng pagdo-DOTA.

IX. BUOD O PAGLALAHAD
'DOTA tayo? Magkano pusta mo?' Iyan ang madalas nating naririnig sa mga manlalaro ng DOTA. Ngunit ano nga ba talaga ang Dota? At ano ang epekto nito sa mga mag-aaral? Base sa aming pananaliksik ang larong DOTA ay ang pangunahing laro ng mga taong nais magpalipas oras o nais lamang maglibang sabi ng marami pero hindi basta basta ang larong ito. Ang larong ito raw ay ginagamitan ng estratihiya katulad ng pabilisang bumuo ng gamit at paramihan ng papatayin na karakter. Simple lang naman ang gagawin ng manlalaro upang manalo. Kailangan nilang mapatay ang karakter ng kabilang manlalaro at mawasak ang tore nito. Kailangan din nilang palakasin ang karakter na napili nila at mabilhan ng kaukulang gamit nito.
Napansin namin na maraming negatibong naidudulot ang DOTA lalo na sa mga kabataan. Katulad nalang ng pagliban ng estudyante mula sa kanilang klase para lamang makipagpustahan. Sa paglalaro, nasasayang ang perang pinagtrabahuhan ng kanilang mga magulang, napapabayaan ang sarili at halos hindi na kumakain. Nagpupuyat kung kaya't lumalabo ang mata, nagkakaroon ng sakit at marami pang iba.
Ngunit sa kabila ng lahat may mga positibo rin namang naidudulot ang paglalaro ng DOTA. Ito ay nagsisilbing pang-iwas sa ibang mga bisyo tulad ng paninigarilyo at paggamit ng droga na nagdudulot ng masasamang epekto sa ating katawan at isipan. Sa paglalaro, kanilang na-eensayo ang pag-iisip. Napapabilis nito ang kanilang pag-iisip, isang bagay na maari nilang magamit sa klase.
Hindi naman masama ang pag lalaro ng DOTA, makakasama lamang ito kung gagawin mo itong bisyo o habit dahil makakasira ito ng pag-aaral at kinabukasan ng estudyante. Kailangan lamang itong bigyan ng 'limit'.

X. KONKLUSYON
Ayon sa aming napag-alaman kaya lamang nahuhumaling ang mga manlalaro sa larong DOTA ay sapagkat ito na lamang daw ang kanilang nagiging libangan.Isa rin sa rason ng paglalaro nila ng DOTA ay nakakasama nila ang kanilang mga kaibigan. Ngunit, ayon na din sa aming mga nakapanayam ang larong DOTA ay may hindi kagandahang nagagawa sa kanilang buhay na kung saan ay nakakagawa sila ng hindi magandang gawain tulad ng pagliban sa klase, pagpupustahan ng malalaking halaga at paglalaro ng sobra sobra. Nakakagulat din isipin na may mga babaeng nahuhumaling sa larong DOTA at may mga lalaking hindi marunong o hindi ginustong matuto maglaro ng DOTA. Sa kabuuan, napatunayan pa rin namin na may iba't-ibang opinyon pa rin ang mga tao, mapabata man o matanda, kung ang larong DOTA ay nakabubuti o nakakasama ba sakanila.

XI. REKOMENDASYON
Iminumungkahi sa pananaliksik na ito na:
1. Na sa karamihan sa mga kabataan ngayon ay mas pinipili ng maglaro ng kompyuter games kaysa maglaro sa labas ng bahay.
2. Ang mga dahilan kung bakit marami ang nagaganahan maglaro ng kompyuter games lalung-lalo na ang mga lalaking nasasanay nang malaro ng DOTA.
3. Iminumungkahi rin nito kung anu-ano ang mga magaganda at masasamang naidudulot ng paglalaro ng DOTA.

XII. SANGGUNIAN
a. INTERNET
http://en.wikipedia.org/wiki/Defense_of_the_Ancients
b. PANAYAM
Julienne. Lalaki. Labimpitong (17) taong gulang,. Estudyante. Technological Institute of the Philippines; Quezon City. Ika-5 ng Marso, 2013. Alas kuwatro ng hapon.
Mark. Lalaki. Dalawampung (20) taong gulang. Estudyante. Technological Insitute of the Philippines; Quezon City. Ika-5 ng Marso, 2013. Alas kuwatro ng hapon.
Jethro. Lalaki. Labinsiyam (19) na taong gulang. Estudyante. Technological Institute of the Pihilippines; Quezon City. Ika-5 ng Marso, 2013. Alas kuwatro ng hapon.
Christian. Lalaki. Dalawampu't-isang (21) taong gulang. Estudyante. Technological Institute of the Philippines; Quezon City. Ika-5 ng Marso, 2013. Alas kuwatro ng hapon.
JM. Dalawampung (20) taong gulang. Estudyante. Technological Institute of the Philippines; Quezon City. Ika-5 ng Marso, 2013. Alas kuwatro ng hapon.



Lihat lebih banyak...

Comentários

Copyright © 2017 DADOSPDF Inc.