DEAR RIZAL...

Share Embed


Descrição do Produto

Pare, hindi kita kakilala ng personal. Ni hindi nga kita nameet-and-greet sa Luneta e. Sa libro at TV lang kita nakilala maliban sa bunganga ng aking mga guro at idolong notion(nation)-builders. Ang masaklap nga ay puro munomento mo lang ang nahahagilap ko. Minahal kita noong mahalin ko na rin ang bansang Pilipinas. Hindi ako nagalit sa mga Espanyol dahil nga sa kanila ay naging bayani ka. Isa kang larawan ng perpektong anak pero hindi padre de pamilya. Noong kolehiyo ako, isang buong semestre kitang inaral maliban pa sa mga akda mo na araw-araw kong binabasa dahil requirement.
Tol, iba ka, lalo na ang lovelife mo. Hindi iyon ang pinakamagandang bahagi ng buhay mo pero tumatak iyon sa isipan naming mga kabataan. Ma-HUGOT ka masyado kaya gumaya ang mga kabataan sa iyo. Masaya ka ba ngayon sa kalagayan ng kabataan na sabi mo'y nagdadala ng pag-asa? Hindi ko masasagot iyan ngayon sapagkat hindi magiging patas ang aking pagsagot. Napakarami mong pinag-aral at inaral dito at sanlabas ng bansa. Rich Kid ka kaya nainggit kami sa iyo hindi tulad ni Andres na ipinagkaitan pa ng kakayahang mamuno dahil sa nakalimbag na titik sa mumurahing papel mula sa paaralang nagtuturo ng matalino sa mga kurakot na opisyal ngayon. (Alam na this. 'Yung iba nakakulong na. Saan ba sila nagtapos?)
Malaki kang tauhan sa kasaysayan at buhay naming mga Pilipino sa dugo at ugali. Malaking issue nga maging ang pambansang sumisingit sa litrato kapag kukuhanan ng larawan ang iyong dakilang pwesto sa lipunan. Minsan nga nagtatanong ako KUNG BAYANI KA BA TALAGA O ISTATWA NA LAMANG? Para sammga mahilig gumimik, pakiramdam ko isa ka na lamang park na tambayan. Ah basta, di pa ako nakakatambay sa iyong wagas na parkeng pampamilya, pambarkada at pangrelasyon. (Iba ka!)
Kaarawan mo ngayon, Pambansang Bayani. Masaya. May pagtitipon. May kasiyahan. May handaan. Ipagdiriwang muli namin ang araw kung kailan ka ipinanganak. Natutuwa ka kaya na maraming nagsasaya ngayon para isang petsa?
Sir Rizal, sana ipaalala mo muli na maliban sa bantog na BAYANI ay isang responsibilidad at inspirasyon para matuto at mahalin ang bansa natin. Ipaalala mo sana na maliban sa mga panitikang usung-uso sa mga course syllabus ay ang aral at paninindigan sa tunay na pagmamahal sa Pilipinas. Wala e, hanggang kasabihan na lamang ang mga "kabataan pag-asa ng bayan" at "ang hindi marunong magmahal sa sariling wika..." Ito na lang ang pambawi namin sa bantog sa'yo.
Doc, mahal ko ang Pilipinas. Sana ituro mo pa ito sa ibang kabataan tulad ng pagkatuto ko sa iyo. Samahan mo kami sa adhikain naming MAGAGAMOT PA ANG BANSA NATIN. Halika, sama ka.
Muli happy kaarawan, brad.
-Mark Anthony Artis


Lihat lebih banyak...

Comentários

Copyright © 2017 DADOSPDF Inc.