Semiotics (Filipino)
Descrição do Produto
Filipino 40 Wika, Kultura, at Lipunan Ikalawang Semestre 20142015 THU8 TTH 1011:30 AM Saussure’s Theory of the Sign Inihanda ng pangkat 2: Bautista, Dumaguing, Geraldo, Matacot, Revalde, Sandalo I.
Ferdinand de Saussure Si Ferdinand de Saussure ay ipinanganak noong Nobyembre 26, 1857 sa Geneva,
Switzerland. Kilala siya bilang ama ng modernong lingguwistika dahil dinala niya ang pagbabago mula sa diachronic patungo sa synchronic, at dahil ipinakilala niya ang ibang mga bahagi ng semyotik na pagaaral na importante hanggang ngayon: ang syntagmatik at paradigmatik na pagaaral. Siya ay naging Maitre de Conferences (Associate Professor) sa Ecole Practique de Hautes Etudes sa Paris, isa sa mga kilalang institusyong pangsaliksik at para sa mas mataas na edukasyon. Siya rin ay naging propesor ng lingguwistika sa University of Geneva. Ang kanyang Ph. D. ay nakuha niya sa University of Leipzig kung saan siya ay nagaral ng IndoEuropean na mga lingguwahe. Si Saussure ay sikat sa kanyang impluwensiya sa lingguwistiks, mga teoryang pampanitikan, pilosopiya at sa mga agham panlipunan. Sa murang edad na labinlima, si
Sassure ay pamilyar na mga lingguwaheng Pranses, Ingles, German, Latin, Griyego at Sanskrit. Sinubukan niya na ring magbuo ng pangkalahatang sistema ng lingguwahe sa kanyang edad na labinlima. Ilan sa mga akda niya ay ang Écrits de linguistique générale, Mémoire sur le système primitif des voyelles dans les langues indoeuropéenes, Cours de linguistique générale, at Recueil des publications scientifiques de F. de Saussure. Sa kanyang libro na Cours de linguistique générale ( Course in General Linguistics), ipinaliwanag niya ang relasyon sa pagitan ng pananalita at sa ebolusyon ng lingguwahe, sa paraang pagiimbestiga sa lingguwahe bilang isang maayos na sistema ng signs . Sa panahon ngayon, ito ay tinatawag nang semiotics o ang pag aaral ng mga sign at simbol at kung paano ito nakaaapekto sa komunikasyon pisikal at berbal. II.
Langue at Parole Pinakilala ni Saussure ang konsepto ng Langue at ng Parole . Ang Langue ay isang
abstract na sistemang sinusunod ng lahat ng mananalita sa isang komunidad na hindi natin napapansin nguni’t sinusunod kaya’t nagkakaintindihan tayo sa isa’t isa. Ang langue ay ang aktwal na lingguwaheng sinasalita. Sa pagaaral ng lingguwahe, kinakailangang magpakadalubhasa sa systema ng gramatika, pagbabaybay, sintaks, at pagbabantas. Ang mga ito ay elemento ng langue. Sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa sistema ng sariling lingguwahe ay nasasabi kung ang salitang nabuo ay maaari sa sistema ng sariling wika o hindi. Halimbawa, sa ating mga tagalog, ang salitang bababa ay nangangahulugang “going down” at ito ay tama. Samanatala, sa mga taong nagsasalita ng ingles, ito ay walang saysay at hindi tama ayon sa kanilang sistema. Maraming elemento ang bumubuo sa sistema ng
langue. Nagkakaroon ng kahulugan ang sistema sa pagkakaayos at sa relasyon ng mga elemento. Ang “Langage” ay isang importanteng estraktura para gumana ang komunikasyong panglinggwistika. Ang Parole naman ay ang isang indibidwal na sistema. Ito ay ang kongkretong paggamit ng lingguwahe. Kumbaga, ito ay ang sistema kung paano magsalita ang isang tao sa isang punto ng oras. Kung ang langue ay ang buong sistema ng lingguwahe, ang parole naman ay ang paggamit ng sistema, ngunit ito ay hindi iyong sistema mismo. III.
Sign Si Sassure ay nagsabi na ang lingguwahe ay isang sistema ng mga ‘signs’ kung saan
siya ay may ‘dyadic’ o isang model na may dalawang parte. Ang ‘sign’ ay nahati sa:
● Signifier (signifiant) ito ang katauhan o anyo na kinukuha ng ‘sign’; at ang ● Signified (signifie) ito ang konseptong pinahihiwatig ng ‘sign’.
Ipinaliwanag ni Sassure na ang relasyong ng Signifier sa Signified ay walang tunay na koneksyon sa pagitan ng imahe at ng konsepto halimbawa ng salitang “ASO”, walang nakakaalam kung bakit ito ang salitang ginamit upang tumukoy sa uri ng domestikadong hayop na may balahibo at apat na paa. Napagkasunduan lamang ng mga taong nakapabilang sa iisang uri ng lingguwahe na ang mga letra at tunog na ito ang tumutukoy sa naturang imahe. Ang sistema ng lingguwahe bilang ‘signs’ ay may relasyon rin sa ibang mga lingguwahe. Tinawag ito ni Sassure bilang Synchrony at Diachrony . Ang synchrony ay ang relasyon ng mga lingguwahe kung saan pinagaaralan ang lingguwahe bilang isang malaking sistema sa kahit anong punto ng panahon. Maaring ang dalawang lingguwahe ay magkaroon ng pagkakapareho sa iisang punto ng panahon, tulad ng American at British English. Ang diachrony naman ay ang pagpapalit ng kahulugan ng salita sa paglipas ng panahon. Tulad ng salitang hugot. Dati,isa lang itong pandiwa na nagsasaad ng aksyong para hinihila, ngayon ay nangangahulugan na rin itong pagbugso ng damdamin sa isang bagay o kanta o kung ano man. Kung merong relasyon ang mga linggwahe, meron din ang mga ‘signs’ na bumubuo nito. Ito ay tinatawag na Paradigm at Syntagm . Pansinin ang talahanayan sa baba.
Ang Sygmatic na relasyon ng mga salita ay tumutukoy sa ayos nito sa isang pangungusap, ng mga pangungusap sa isang kabanata at kung ano pa. Ang paradigmatic na relasyon ay umuukol sa pagkakaroon ng mga salitang magkapareho ng gamit at maaring ipaghaluhalo. Ang bawat indibiduwal na yunit ay may paradigmatic na relasyon, tulad ng letrang ‘B’ sa salitang ‘Basa’. Ito ay maaring palitan ng ibang letra, halimbawa ‘T’ at ang kalalabasan ay ‘Tasa’. Pansinin na iba ang kahulugan ng ‘Basa’ sa ‘Tasa’ nguni’t ito ay magkapareho ng grupo ayon sa gamit ng salita. Ang mga letra at ang mga numero ay walang paradigmatic na relasyon. Ang wika at lingguwahe ay hindi lamang basta sinusulat, maaring sinasabi rin ito at ito rin ay maaaring bumuo ng imahe sa utak ng mga tao. Ang sign nga kasi ay ang koneksyon sa signifier at sa signified, hindi ang dalawang elementong ito. At sa isang lingguwahe, naitatakda na nga ang isang sign kahit na hindi naman ito napag usapan talaga dahil nga sa lingguwahe nilang iyon, e tanggap na na ganon ang imahe at salitang nabubuo kapag nabigyan ng isang ‘sign’. At dahil nga ganito ang teorya na pinagbabasehan natin, masasabi rin na ang ating lingguwahe ay nakaaapketo sa ating pag iisip sa kung ano ang reyalidad at sa representatsyon natin ng mga bagay bagay dahil may mga bagay at salita na maaaring ito ang ibig sabihin sa mga Filipino ngunit iba ang dating sa French.
Mga pinagkunan: http://changingminds.org/explanations/critical_theory/concepts/synchrony_diachrony.htm http://changingminds.org/explanations/critical_theory/concepts/langue_parole.htm http://www.decodedscience.com/ferdinanddesaussurethelinguisticunitsignsignifiedand signifierexplained/20876 http://visualmemory.co.uk/daniel/Documents/S4B/sem02.html https://jameslenihan89.wordpress.com/2013/01/17/saussuresdistinctionsbetweenlangagela ngueandparoleastudentview/ http://waucondastore.com/objectlinguisticslangueparole/ http://en.wikipedia.org/wiki/Structural_linguistics http://www.britannica.com/EBchecked/topic/525575/FerdinanddeSaussure http://www.egs.edu/library/ferdinanddesaussure/biography/ http://admuisawthesign.blogspot.com/2008/10/paradigmandsyntagm.html http://www.iva.dk/bh/Lifeboat_KO/CONCEPTS/paradigmatic.htm http://changingminds.org/explanations/critical_theory/concepts/syntagm_paradigm.htm
Lihat lebih banyak...
Comentários